Matuto kang sumuko kung nasasaktan ka na ng sobra. Sabi nga nila, lahat ng mabigat, gumagaan kapag binitawan


 


“AYOKO NA”

“ Matuto kang sumuko kung nasasaktan ka na ng sobra. Sabi nga nila, lahat ng mabigat, gumagaan kapag binitawan.”

Kaya ayoko na. Tama na. Hindi na
Hindi na ako magpapanggap na masaya ako
Na maayos lang ako
Na kaya ko pa ang lahat
Na okay lang ang lahat



Hindi na ako magpapanggap 
Kaya eto na ang huli
Ang huling araw na ikaw ang bida
Ang huling araw na iisipin kita
Na aalalahanin kita
Na sasabihing kong mahal kita
Na iiyakan kita
Na puro katotohanan na 
Wala ng halong pagpapanggap pa
Dahil kaylangan ko ng kumawala sa sarili kong kabaliwan at katangahan.

Ayokong sumuko na lang basta basta pero nahihirapan na ako mahal
Nahihirapan na akong lumaban kasi ikaw ay may ipinaglalaban ng iba kaya 

Ayoko na
Ayoko na kasi pagod na ako
Pagod na akong umasa
Pagod na akong humingi ng atensyon mo
Pagod na akong umiyak
Pagod na akong masaktan
Pagod na akong lumaban
Pero hindi ko pinagsisisihan na minahal kita
Hindi ko pinagsisisihan yung mga ginawa ko
Yung pagsugal ko sa lahat 
Yung pagbigay ko ng lahat para sayo  
Yung sa mga bawat pagpatak ng luha ko
Dahil sayo 
Mas susubukan kong maging mas matatag
Mas malakas
Mas masaya

Kaya bago ako tuluyang magpaalam may huling salita ako na gustong iwan para sayo 
Mahal kita, Mamimiss kita, Magiingat ka, Pero


Tama na, Hindi ko na kaya, Ayoko na, Tanggap ko na, Gigising na ko sa katotohanang ikay masaya na sa iba kaya pinapalaya na kita.
Masaya ka na guguluhin pa ba kita ? 
Kaya salamat na lang sa lahat ng mga alaala
Huwag kang magalala hinding hindi ko ito makakalimutan (Palayain ang isa’t isa kung tayo tayo talaga.)

By:Azzelle Jhewel


HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

4 comments:

  1. SENARYO

    Marahil tapos na talaga,mahal kita,hanggang ngayon na sinusulat ko ito walang nagbabago,mahal pa rin kita.Oo ilang beses na kitang iniwan sapagkat sobra na ang sakit na aking nararamdaman na pagtakas lamang mula sa iyo ang tanging lunas.

    Sa bawat paglisan ko'y nagdurugo ang puso,sa bawat sandaling pagkawalay ko sayo ako'y nangungulila.Kaya madalas nasusumpungan ko ang aking sarili na muling bumabalik patungo sa iyo,bitbit ang pagmamahal,ang pag asa na baka pwede pa...

    Na susubok akong muli kasi baka may liwanag na,Na patatawarin ka muli baka kasi sa pagkakataong ito totoo na ang iyong pangako...pero mahal ako'y bigo.Isa,dalawa,tatlo,apat,lima sampu,dalawampu,isang daan?hindi ko na mabilang kung ilang beses mo akong binigo!

    Kung ilang beses akong naniwala!kung gaano katagal ako kumapit para hindi kita bitawan!Kung paanong paulit ulit kong ginagamot ang sugat na idinulot mo ngunit hindi naghihilom!

    Hanggang ngayon nagnanaknak pa din!hindi ko alam!hindi ko alam kung kailan maghihilom.Basta't ang alam ko lang nararamdaman ko na ang unti unting pagkamanhid at pagkahapo.

    Mahal,ako'y may natutunan,mas mainam pala ang maging manhid upang ang kirot ay hindi na manuot.Patawad pero ako'y namamanhid na,wala na akong kakayahan pang kumapit sa relasyon nating wala nang patutunguhan kundi pagwawakas...

    Mahal,sa ating paghihiwalay ng landas sana'y wag mo isisi sa akin ang trahedya na ikaw ang dahilan at gumawa,nadurog ako at ito'y iyong nasaksihan!konting respeto lamang mahal sa huling pagkakataon,sana'y ibigay mo,aminin mo sa iyong sarili na ikaw ang may likha ng ating
    katapusan.

    ReplyDelete
  2. bgay skn yan up to now d p q magising sa ktotohanan bulag at bingi pa din sa totoo nagsusumiksik pa din kht alam q n d aq ngmamakaawa bka sakaling meron kaht kaunti kht my maliit man lang n pwesto para sameng mag ina para sa knya pero wla..

    ReplyDelete
  3. Tangina mo Joven Dino

    -Julio

    ReplyDelete