Submitted by: Deyb
Simple ngunit espesyal.
May kaakit-akit na mga ngiti,
Ngunit hindi ako ang syang dahilan.
May mapupulang labi na kay sarap halikan.
Ganyan ko ilarawan,
Ang taong mahal ko ngunit hindi ako mahal.
May pait sa mga tawa kung iyong pagmamasdan.
Hindi totoo ang saya kung iyong mararamdaman.
Ang hirap magpanggap na hindi nasasaktan.
Kasi ang totoo nakakapanghinayang.
May mahal kang iba,
At ako sayo'y kaibigan lang.
Abot kamay ka, ngunit ating mga palad ay hindi maaaring maglapat.
Kausap ka, ngunit hindi masabi ang dapat
Sa aking nararamdam, hindi magawang maging tapat.
"Uy mahal kita, tayo nalang" ganyan ba dapat?
Minsan na nga lang magmahal, sa taong wala pang kasiguraduhan.
Minsan na nga lang magmahal, sa tao pang dapat ay kaibigan lang.
Minsan na nga lang magmahal, sa tao pang may ibang mahal.
Minsan na nga lang magmahal, bakit madalas pa ring nasasaktan?
"Minsan na nga lang magmahal, sa walang kasiguraduhan pa" Ganyan yung sitwasyon ko ngayon :(
ReplyDeleteSana dumating sa punto na hangang kaibigan nalang ang nararamdaman para di kana nasasaktan
ReplyDelete