Hindi pwedeng maging magkaibigan ang dalawang taong minsang nagmahalan



Words by: Beb. Mar. BMI

Itigil na natin 'tong kahibangang 'to.
Pinuputol ko na ang lahat ng koneksyon na galing sa ‘yo,
Dahil hindi totoo na pwedeng maging magkaibigan ang dalawang taong minsang nagmahalan. 
Ayokong ipamukha mo sa akin na 'yung mga bagay na pinagseselosan ko dati ay dapat ko ng suportahan ngayon dahil lang sa magkaibigan na tayo. 
Hindi, ayoko. 
Ayokong budburan ng asin ang sugat na iniwan mo.
Ayokong magmukhang masaya sa harap mo habang nakikipagharutan ka sa bagong mahal mo dahil ang totoo niyan ayaw kitang makitang masaya.
Kasama ng iba.
Kasama niya.
Gusto kitang ipagdamot ulit.
Gusto kitang hilahin pabalik at sabihing akin kana lang ulit.
Ngayon, 
Kung tatanungin mo ako kung bakit ako nagagalit.
Kung bakit ako umiiwas.
Kung bakit ako lumalayo.
Kung bakit sa tagal ng panahon naghihintay pa rin ako.
Eto lang ang sagot ko. 
"Mahal pa rin kita at ayaw kong maging kaibigan ka."

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

1 comment:

  1. Super accurate to what am i feeling right now. I cut off our communication 'cause i can't handle the pain anymore.

    ReplyDelete