Hihinto na ako sa kaka-asa na baka pwede pa talaga.


Akala ko tapos na,
akala ko'y wala na.
Akala ko limot na,
pag ibig di na mabubuhay pa.
Bakit salungat, puso't isipan.
Naghanap ka ng iba,
kahit na ang salitang tayo ay meron pa.
Ganun lang ba talaga?
O sadyang pinaglaruan lang ng tadhana. Tayong dalawa,
dalawang salita,
nawala ng parang bula.

Akala ko kaya ko,
akala ko wala na ito.
Wala na lahat,
wala nang ikaw sa buhay ko.
Ngunit nung gabing muli mong pinaramdam kung sino ako,
nung oras na sinabi mong mahal na mahal mo parin ako,
yun sana ang pagkakataong maamin ko sayo,
ikaw.
Ikaw at ikaw parin talaga ang sinisigaw nito.

Ngunit kahit na ganon alam ko na,
tanggap ko na,
na akala lang ang lahat.
Akalang pag ibig walang katapusan,
saya at kilig ay laging nandyan,
minsan lungkot at sakit napapawi sa iyong mga ngiti.
At akalang tayo ay mananatili hanggang sa huli.

Ngunit mahal,
bakit ganon ang aking nararamdaman.
Bakit hanggang ngayon ikaw parin ang nilalaman.
Ilang sakit paba ang kinakailangan,
upang sarili koy matanggap na wala na talaga. Wala nang ikaw at ako.
Wala ng tayo.
Ang meron nalang ay ang ikaw,
na masaya na sa iba.
At ako naman,
ay syang patuloy na umaasa na baka pwede pa.

Oo nadudurog ako.
Patuloy na nadudurog sa mga nakikita ko. Dahil ang buong akala ko'y mga sinabi mo sakin ay totoo.
Ngunit ang tanga ko pala para magpaloko,
para maniwala sa mga pangako mo.
Pero mahal,
huling tula nanaman na ito.
Wag kang mag alala,
hihinto na ako.
Hihinto nako sa kakaisip na naka pwede pa talaga.
Hihinto nako sa kakaasa na baka mayroon pang natitira.
Dahil alam kong sa gagawin kong ito ay sasaya kana.
Buong puso na kitang pinapalaya.
Dahil umpisa palang naman hindi na kita hinawakan.
Dahil anong silbi ng paghawak ko sayo,
kung ikaw na mismo ay tuluyang bumitaw at dahang dahang lumalayo....

—Julia Santos

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment