Hindi lang siya
Hindi lang siya
Ang sakit diba?
Ang sakit makitang iba na ang nakakasama niya,
Ang sakit makitang iba na ang dahilan ng mga ngiti niya,
Ang sakit marinig na iba na ang bukambibig niya.
Pero alam mo kung ano ang mas masakit?
Ay yung siya naka'move-on na, tapos ikaw nasasaktan pa!
Bakit parang baliwala lang sa kanya ang dalawang taon niyong pagsasama?
Bakit ganun na lang kadali na palitan ka niya?
Bakit di mo siya nakikitang nasasaktan?
Hindi kaya sa dalawang taong yon, hindi ka niya talaga minahal at ikaw lang talaga ang nagbigay-halaga?
Gabi-gabi ka na lang lumuluha dahil sa kanya.
Puso'y unti-unting dinudurog kakaisip sa kanilang dal'wa.
Tinataboy ang mga mahal sa buhay dahil gusto mong mapagisa.
Dahang-dahan pinapatay ang sarili baka sakaling bumalik siya.
Tandaan mo na hindi lang siya ang tao sa mundo
May mga taong mas nagpapahalaga sa nararamdaman mo
Wag mong ikulong ang sarili mo sa taong sumira sa pagkatao mo
Kaya ipakita mo sa kanyang kahit kailan hindi siya naging kawalan sayo.
—Cristine Joy Santos
HugotSnap.
Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com
HugotSnap.
Giving you the best hugot stories on Snapchat!
Popular Posts
-
1. "What if meron padin tayong feelings sa isa't-isa?" What if, meron? Pero ni hindi mo ito kayang ita...
-
"Ayoko Nang Ibalik Yung Dati" Submitted by: Jan Emmanuelle Saet Paguntalan Photo By: Jan Emmanuelle Saet Paguntalan Hindi...
-
Words by: Beb. Mar. BMI Itigil na natin 'tong kahibangang 'to. Pinuputol ko na ang lahat ng koneksyon na galing sa ‘yo, Dahil hindi ...
-
“AYOKO NA” “ Matuto kang sumuko kung nasasaktan ka na ng sobra. Sabi nga nila, lahat ng mabigat, gumagaan kapag binitawan.” Kaya ayok...
-
Submitted by: Deyb Simple ngunit espesyal. May kaakit-akit na mga ngiti, Ngunit hindi ako ang syang dahilan. May mapupulang labi na kay sara...


No comments:
Post a Comment