Pagod na pagod na ko pero tignan mo. Nandito padin ako.


Pagod na pagod na ako pero tignan mo. Nandito pa din ako.
Pagod lang ako. Kaya kong magpahinga para sayo. Dahil magkaiba ang nagsasawa sa napapagod, ang napapagod, kaya pang lumaban kailangan lang ng pahinga pero ang sumuko, iniwan ang laban niya.

Pagod ako, sa mga away na halos paulit ulit na lang nating pinag uusapan. Hindi na tayo natuto, hindi na tayo nagbago. Pero masaya pa din ako, kasi kahit paulit ulit tayo, paulit ulit naman nating minamahal ang isa’t isa pagkatapos ng bawat away na meron tayo.

Pagod ako.  Sa paulit ulit na dahilan ng mga luha ko. Sa paulit ulit na dahilan bakit nakirot ang puso ko, pero kahit pagod ako, gusto ko pa din na maayos tayo. Kasi mahal na mahal natin isa’t isa, at walang away na hindi natin maaayos diba?

Pagod ako. Pagod ako sa paraan mo kung paano tayo maaayos. Pero kahit paulit ulit yang paraan mo, hindi ko pa din alam kung bakit nakukuha mo pa rin ako pabalik sayo. Siguro nga, mahal na mahal natin isa’t isa, at nasanay na tayo na ganun tayo magtatapos ng away.

Lagi mong tatandaan, mapapagod ako sayo. Mapapagod ako sa mga dahilan mo, sa paraan mo, pero alam mo kung ano ang hindi ako mapapagod? Ang ipakita sayo na kahit pagod na ako, nandito pa din ako na handa kang tanggapin ng paulit ulit, kahit ang kapalit noon ay mapagod ako.

Mapapagod ako, oo. Pero hinding hindi kita susukuan katulad ng pagsuko na ginawa nila sayo.

Words by: its--athenabeatrice | tumblr

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment