Wala ka na. Wala na pala talaga.


"WALA NA PALA TALAGA"

Nag daan na ang maraming araw.
Nag daan na ang iba't ibang uri ng bagyo.
Nag daan na din ang maraming tao sa buhay ko.
Ngunit ikaw parin pala ang Mahal ko.

Hindi ko alam kung saan o papaano ako mag uumpisa.
Ang hirap pala ng ganito mahal ko yung makita ka na okay na ng wala ako.
Sobrang hirap na mas pipiliin ko nalang mamatay kaysa makita kang masaya ng wala na ako.
Ngunit tulad ng ibang kwento kailangan ko na uli mag umpisa.

Umpisahan ang bagong yugto na wala ng ikaw.
Umpisahan harapin ang buhay na wala kana.
Umpisahan ang umaga na tanging ako nalang at wala ng ikaw.
Mag uumpisa na ako na palayain kana.

Palalayain na kita kahit alam ko na di ka na akin.
Papalayain na kita dahil alam kong hindi ka na uli magiging akin.
Papalayain na kita dahil alam kong kaya mo na ng wala ng ako.
Papalayain na kita dahil alam kong mas mahal mo na ang sarili mo.

Mahirap pala ang ganito tipong ako ang tumapos sa tayo.
Ngunit bandang huli ako ang parang asong nag hahabol na maging tayo.
Pero ano paba magagawa ko mahal ko sinabi mo na sa akin na okay kana.
Ganito pala kahirap yung sitwasyon mo na makita akong nag mamahal na ng iba at ipakitang okay na ko ng wala ka.

Wala kana at kahit anong mangyare wala ng tayo.
Kaya mahal ko paalam na.
Lagi ko iniisip kung wala na ba talagang pag-asa yung tayo.
Pero nasakin din pala ang kasagutan at yun ay ang wala na talaga.

-The One That Got Away


HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment