Minsan ba naiisip mo, bakit kaya?
Bakit kaya nakilala mo sya?
Bakit kaya naging malapit kayo sa isa't isa?
Bakit kaya naglaan ka ng oras sa kanya?
Bakit kaya nahulog ka sa kanya?
Bakit kaya minahal mo sya?
Siguro,
Siguro gusto ka nya makilala,
Siguro gusto nya mapalapit sayo,
Siguro dahil naglaan ka rin ng oras sa kanya, kaya naglaan rin sya ng oras sayo,
Siguro mabait ka. Kaya ka nya nagustuhan,
Siguro sinabi kong mahal ko sya, kaya sinakyan nya.
Akala ko oras na
Akala ko sa pagkakataong to magiging masaya na
Kala ko, akala ko lang pala
Pag-asa kong nauwi sa akala ko lang pala
Ang hirap mabuhay sa pagkakataon na akala mo totoo, ilusyon lang pala.
Ang hirap maniwala sa salitang mahal kita na Akala mo totoo, isang biro lang pala.
Ang hirap mag-isip sa isang bagay na akala mo meron, pero wala pala.
Ang tanga ko
Naniwala ako na gusto mo ako
Naniwala ako na mahal mo ako
Naniwala ako na ayaw mo akong mawala
Naniwala ako sa mga salita mong walang laman
Ang tanga ko
Gusto kong makalimot
Gusto kong bumalik sa umpisa
Gusto kong itama ang mali
Gusto kong baguhin ang dapat baguhin
Dahil nagkamali ako
Nagkamali ako na nakilala kita
Nagkamali ako na naglaan ako ng oras
Nagkamali ako na minahal kita.
Nagsisisi ako sa mga ginawa ko
Nagsisisi ako sa mga ginawa kong hindi dapat
Ayoko na, ayoko na
Oo na, oo na. suko na ako
Dapat pala nung una palang napansin ko na
Napansin ko na, hindi ka interesado
Napansin ko na, na ayaw mo sa akin
Napansin ko na, napilitan ka lang
Napansin ko na, pero binaliwala ko lang.
Salamat mahal
Salamat dahil sa maikling panahon pinasaya mo ako
Binigyan mo ng kulay ang buhay
Binigyan ng mga alalang hindi dapat kalimutan
Salamat sa maikling panahon pinansin mo ako
Salamat sa hindi pagbaliwala sa akin
Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin kita
kaya mahal, paalam
Paalam sa mga alala na nagawa at dapat ng kalimutan at hindi na madadagdagan
Paalam sa mga oras na nasayang at hindi na mababawi.
Paalam mahal, dahil ito na ang huli
Ito ang huling pagkakataon na makikita mo ako
Ito ang huling pagkakataon na makakausap mo ako
At bago ko tapusin ito,
Nawa'y sa pagkakataong ito pakiggan mo ako
Mahal gusto ko maghanap ka ng lalaking tunay na magmamahal sayo
Mahal gusto ko maghanap ka ng lalaking hindi hinangad na galitin at inisin ka
Mahal gusto ko maghanap ka ng lalaking kailan ma'y hindi binalak na ika'y paiyakin
Mahal gusto ko maghanap ka ng lalaking aalagaan ka higit ng pag-aalaga ko sa'yo
Mahal gusto ko maghanap ka ng lalaking hindi gagawin ang mga ginawa ko para sa'yo.
Dahil mahal, sa susunod na lalaki mong makakasama ayokong maalala mo ako na ibang lalaki ang kasama mo
At dahil dyan ito na ang huling mesahe ko para sayo.
—Words by: Pao Estrellado

No comments:
Post a Comment