Masakit man ngunit kailangan

Masakit man ngunit kailangan




Nag-umpisa sa tinginan
Nag-usap ng biglaan
Unti-unting nagkilanlan
Kaya naman agad nagkapalagayan
Pagkakaibiga'y lumalim na
Dumating sa puntong parang iba na
Tuwa'y di maipaliwanag, nadaramang kusa
Ngiti sa labi'y makikita na lang bigla
Pintig ng puso'y pinapakiramdaman
Bulong ng isip, dinidiktahan
Tila ba may mali sa kinakalagyan
Ng dalawang batong nag uumpugan
Hinihiling na sa pag gising, hindi na maalala
Mga bagay na nagpapasaya sa bawat isa
Kasalukuyang pilit na binabalewala
Para ang koneksyon hindi na lalong lumalim pa
Masakit man ngunit kailangan
Pigilan ng biglaan ang nararamdman
Paki-usap gawin natin ito ng sabayan
Nang sa gayon hindi na lalong mahirapan
Paalam na....
Paalam na sa aking kaibigan
Iwanan n ang nakaraan
Mag umpisa tayo ng walang pagkakakilanlan...
—Oslec

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment