Paglalagay ng tuldok sa mga bagay na dapat ipinagpatuloy pa at pagpapatuloy ng mga bagay na dapat ay tuldukan na.


"Blangkong Papel" 
By: Erica Serrano

 

Gabi na naman.
Patapos na naman ang isang buong araw ko.
Pero bago matapos ang gabing ito,
Gusto kong isulat sa blangkong papel ang lahat.


Ang lahat ng pagkakamali ko.
Mula sa paglalagay ng tuldok hanggang sa pagpapatuloy ng kuwit.
Paglalagay ng tuldok sa mga bagay na dapat ipinagpatuloy pa at pagpapatuloy ng mga bagay na dapat ay tuldukan na.


Isang blangkong papel para sa mga kasinungalingan ko.
Kasinungalingang pinapaniwalaan natin pareho.
Habang sinasayang ko ang tinta nitong panulat kasabay ng pagsasayang ko sa oras mo.
Yung kasinungalingang ipinapakita ko sa iyo na pinaniniwalaan natin pareho.


Isang blangkong papel para sa pagpapa-asa ko sa iyo.
Pagpapa-asang ikaw ay mahal ko.
Habang sinasabi ko sayo ang katagang "i love you" kasunod ng sakit dahil sa panloloko ko.
Yung bawat katagang binibitawan ko na nagbibigay pag-asa sa'yo.


Isang blangkong papel para sa panloloko ko.
Panloloko sayo at sa sarili ko.
Habang pinaniniwala ko ang sarili kong may nararamdaman ako kasabay ng pagpapakita mong mahal mo ako.
Yung "mahal kita" ko na walang katotohanang lahat.


Isang blankong papel pa.
Para sa marami pang pagkakamali ko.
Hindi ko maitatama ang mga pagkakamaling nagawa ko
Pero hayaan mo lang akong isulat sa papel ang lahat ng ito.


Isang blankong papel para sa maling pakikitungo ko sa iyo.
Pagpapakitang may higit pa sa pagkakaibigang ito.
Habang tumatawa tayo at naglalakad nang magkahawak ang kamay.
Yung pagkakamaling pinaasa ka sa bagay na malabong mangyari.


Isang blangkong papel para sa hindi ko paghingi ng tawad sa iyo.
Di paghingi ng tawad dahil nasaktan ko ang damdamin mo.
Habang napapangiti at napapasaya ka ng sinasabi ko ay nagdurusa naman ang puso ko sa lahat ng kasinungalingang ito.
Yung lahat ng sinabi ko ay pawang panloloko't pang-gagago.


Hindi lang ito ang pagkakamali ko,
Ngunit puno na ang blangkong papel na nagsisilbing tulay ko sa pag-abot ng kapatawaran mo at kapatawaran ko sa sarili ko.
Nais kong humingi ng isa pang blangkong papel upang pagsulatan ng pagpapaumanhin ko.


Isang panibagong blangkong papel para sa paghingi ng pagpapatawad mo.
Patawad sa pagpapa-asa.
Patawad sa pagaaksaya;
ng pagmamahal at oras.
Patawad sa lahat.


Patawad sa lahat ng kasalanang nagawa ko.
Hindi mapapahilom ng salitang "patawad" ang sakit na naidulot ng kagaguhan ko.
Ngunit pagod na akong makipaglokohan sa sarili ko at sa'yo.
Tama na ito, hanggang dito nalang tayo.


Pero isang blangkong papel pa.
Para naman sa pagpapasalamat ko sa lahat ng nagawa mo.
Salamat sa pag-aalaga at pag-aaruga sa puso kong hindi tumitibok para sa iyo.
Salamat sa paglalaan ng oras para ako ay makapiling mo.
Salamat sa pagpapadama ng walang katumbas na kasiyahan.
At salamat sa pagmamahal na inialay mo sa walang kwentang gaya ko.


Ito na ang huling blangkong papel na hawak ko
ngunit wala na akong balak sulatan ito.
Ito'y para naman sa iyo; isang blangkong papel na sisimbulo sa bagong simula mo.
Ipagdarasal kong ito'y pagkaingatan mo gaya ng pag-asa kong iingatan mo ang sarili mo sa oras ng pagkawala ko sa tabi mo.
Ipagdarasal kong mapuno ito ng magandang ala-ala mo na may kasamang iba na tunay na magpapasaya sayo.


Sa pagsikat ng araw sa bukas mo,
Alam kong sakit ang unang mararamdaman mo
Subalit sa mga susunod pang bukas mo, mas gugustuhin kong malimot mo ako
At wag nang maalala ang sayang naibigay ko na alam kong magbibigay pait sa bawat araw na maririnig mo ang pangalan ko.


Sa bukas na darating sana ako'y wag mong alalahanin.
Sikapin mong sarili mo nalang ang intindihin at mahalin
Ito na ang huling isusulat ko sa blangkong papel na hawak ko; 


PATAWAD, SALAMAT at INGAT.

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

1 comment: