Paalam na sa mga ala-ala nating dalawa Sa mga panahong tila wala nang bukas pa

"Paalam"
Submitted by: Si Jay




Paalam na sa mga ala-ala nating dalawa
Sa mga panahong tila wala nang bukas pa
Walang ibang naramdaman kundi saya
Saya na lumalabas lamang tuwing nandyan ka,
Na tila ba may namamagitan na kahit wala naman talaga.

Napapahinto mo ang ikot ng mundo
Sa tuwing nasisilayan ko ang ngiti na nakakubli sa mata mo
Ipinadama ko sayo na importante ka sa buhay ko
dahil iba ka sa lahat ng nakilala ko

Ngunit lahat ng ito'y biglaan na lamang naglaho
Dahil hindi parin umaalis ang mga takot sa iyong puso
Takot na galing sa nakaraan
kung saan mag-isa kang maiiwan
na baka bigla na lamang akong lumisan nang hindi nagpapaalam

Pero hindi kita masisisi sa mga desisyon mo
Kahit na hinila mo ako papalapit sayo
At biglaan ding itinulak palayo.

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment