Gusto kong sabihing "Ako na lang ulit." Pero ayokong marinig na "Ayan ka na naman nangungulit"


Gusto kong sabihing
Ako na lang ulit
Pero ayokong marinig na
"Ayan ka na naman nangungulit"

Gusto kong ayusin
Lahat ng gusot
Pero ayokong marinig na
"Ikaw lang naman ang di nakalimot"

Gusto kong sabihing
Okay naman dati
Pero ayokong marinig na
"Hindi nga kasi pwede"
Gusto kong tanungin
Kung di mo ba naalala
Pero ayokong marinig na
"Di mo na kailangan ipaalala"

Gusto kong sabihing
Sana di tayo nagbago
Pero ayokong marininig na
"Wala namang tayo"

Gusto kong bumalik
Sa panahong masaya pa
Pero ayokong marinig na
"Hindi naman ako sumaya"
Gusto ko sana
Ako na lang ulit
Akin ka nalang
Nang hindi ko pinipilit

—Jian Mitchelle Del Rosario

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment