Maghihintay ako kahit gaano katagal.


Maghihintay ako
Maghihintay ako kahit ilang oras, araw o taon pa yan maghihintay ako.

Hihintayin kita.

Maghihintay akong lumakad ka pabalik sa akin habang sinasabi yung mga salitang 'Mahal parin kita, tatanggapin mo pa ba ako?'
Oo mahal, tatanggapin kita ulit.

Tatanggapin kita ng buong puso at walang alinlangan

Ang mga alaalang nagpapatibay sa akin sa akin upang maghintay sayo ay matibay
Ang mga yapos mong noo'y nagpapainit sa akin ay siya' ring lumisan at nag-iwan ng lamig

Ang mga halik mong sintamis ng kendi na sya noong rason ng ang mga ngiti
Ay siya' ring nag-iwan ng pait sa aking mga labi

Ang mga ngiti mong sariwa pa sa aking isipan at nagbibigay lakas sa akin ay siya' ring kahinaan ko sa tuwing napapangit ka nya
Mahal maghihintay ako.

Hihintayin kita.

Wala man akong pinanghahawakan mula sayo mahal.

Hihintayin kita.

Mahal kita.

Mahal na mahal kita
Kahit sa anong paraan, Hihintayin kita mahal.

-Yourlovelychubbycheeksm



Unknown

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

YOU MIGHT ALSO LIKE

No comments:

Post a Comment