Makikipaglaro ako sa lalaking nilaro ako

"ANG MINSAN MONG PINAGLARUAN AY SIYANG MAKIPAGLALARO SAYO"
by Danicia Aria Tortoles Hernandez

 

"Makikipaglaro ako sa lalaking nilaro ako"

Mahal, minahal kita.
 Minahal kita sa larong ginawa mo.
 Mahal? 
hindi iyon ang nakasanayan ko
Hindi iyon ang naging tawag mo
dahil sa simula pa lang iba na ang minahal mo

Maguumpisa ako sa kung paano tayo pinagtagpo ng mapaglarong tadhana
Ikaw, ako at ang tadhana ang siyang bida ng larong ito

Sa simula ng pangalawang pagkakataon,
muli tayong pinagtagpo.
Para umpisahan ang isang laro,
Na ang tanging alam ko lang ay isugal ang buong ako hindi para sayo kundi para umpisahan ang bagong laro

Hindi ako nagdalawang isip na tanggihan ang pagbabalik mo,
sa puntong ito nagumpisa na ang laro
"mahal kita, may pag asa pa ba na magka ayos tayo?"

Sa pangalawang pagkakataon sa hindi inaasahang panahon napanghinaan ako matapos marinig ang mga salitang iyon.
Tadhana nga nama'y napaka lupit
Nahuhulog nanaman ba ako sayo? *hindi maaari*
Hindi na muli,
Hindi na muling aasa na ang ikaw at ako ay magkakaroon ng tayo,
Tayo na sisira ng relasyon niyo
'Kayo' na mapapalitan ng 'Tayo'

Sa ikalawang beses ng pangalawang pagkakataon,
ako nanama'y lalayo

Marahil ang tadhana'y di napapagod, at

Sa pangalawang pagkakataon, nagparamdam ka
heto ka pilit pa bumabalik
'wala na ba ang kayo, kaya gusto mo ng tayo? 
'nakikiusap ako 'wag mo ng ituloy ang mga ito'
mga tanong sa isip ko na tila ba'y nahihirapan na ako
Mahal, 
mahal mo ba talaga ako?
minahal mo ba talaga ako?
o minamahal mo lang ako kapag wala ang babaeng nagmamahal sayo sa oras ng pangangailangan mo?

Sa pangalawang pagkakataon,
Hindi pa man nagtatapos ang laro natalo na agad ako
Simula' sapul reserba mo lang ako
Oo nga,
Tama nga ako, 
Napaglaruan ako sa pesteng laro na ito
Dahil heto ako umaasa, umaasang minahal mo talaga ako. 
Pero hindi, 
isang malaking hindi. 
Dahil lahat ng ipinaparamdam mo ay kasama sa laro
Ang sabi mo mahal mo ako,
pero bakit siya pa rin ang pinili mo

at hindi nagdalawang isip na iwan ako.

Sa huling pangalawang pagkakataon maaari bang ako nman ang maglaro, at 
ang minsan mong pinaglaruan ang siyang makipaglalaro sayo. 
Ngayon,
Sinisigurado ko ikaw na ang matatalo sa larong ito na siyang uumpisahan ko.

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

YOU MIGHT ALSO LIKE

No comments:

Post a Comment