Sinabi mong maganda ako, paulit-ulit, hanggang sa mapaniwala mo ko,

 
Talaga ngang matalino ka.
Sa akin ay pinatunayan mo na nga.
Marami kang alam na salitana iba pala ang kahulugan sa aking inaakala.


Sinabi mong miss mo na ako,
gusto mong makasama ako,
yun pala sakin ka nagpapasama,
habang naghihintay ka na balikan ka niya .

Sinabi mong gusto mo akong makita,
aba talagang nagmamakaawa ka pa.
Yun pala eh gusto mo lang makita
kung mapapabalik mo siya.

Sinabi mong maganda ako,
paulit-ulit, hanggang sa mapaniwala mo ko,
pero yun pala maganda nga talaga ako sa paningin mo,
magandang ipanakip butas jan sa buhay mo.

Sinabi mong mag-iingat ako.
Magpapasakamat na sana ako,
kaso bigla ko lang napagtanto,
na kailangan kong mag-ingat dahil iiwanan mo uli ako.

Sinabi mong nagugustuhan mo na ako,
pinipilit mong paniwalaan ko ang nararamdaman mo.
Pero yun pala'y ang ginugusto
ay hindi ako, kundi yung tao sa nakaraan mo.

Sinabi mong liligawan mo ako,
na payagan kita at haharap ka sa pamilya ko,
Pero yun pala ako'y ililigaw mo
sa pagitan ng katotohanan at mga kasinungalingan mo

Pero sorry ka nalang doi,
hindi ako nagpadala sa mga matatamis na salita mo
kahit na alam ng lahat na matagal na kitang gusto
at ikaw ang matagal nang hinihintay ko.

Masaya na makita kang palapit sakin
Pero masakit na makita na sa iba parin nakatingin
agad-agad at lagi-laging napapansin
na magkaiba ang sinasabi ng 'yong labi sa tunay na damdamin.

Kahit gusto ko nang maniwala at mapamahal sayo
pinilit kong maging matibay ang mga pader ko.
Sorry nalang, hindi mo na ako maloloko.
Kasi kung matalino ka, mas matalino ako sayo.

By: rj
A/N: triggered mo ko tristan HAHAHAHAH

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

YOU MIGHT ALSO LIKE

No comments:

Post a Comment