Ay grabe sya, pinaglalaban yung taong taken na.



Oo matapang ka. Oo palaban ka. And that is a good thing. Pero sana naman gamitin mo ang yong pagiging matapang at palaban sa tamang paraan.

Hindi lahat ng tao, matapang. May iba kung hindi duwag, eh tumatahimik na lang kahit na ang dami nilang gustong sabihin. 
Hindi lahat ng tao palaban. Karamihan dyan, umiiyak na lang dahil sa sakit, sa inis at sa galit kahit na may karapatan naman silang lumaban.

And there is always that one person na 2 in 1. 

Matapang na, palaban pa. Matapang kaya pinaglalaban ang taong taken na.

Oo, mahal mo. Tao ka lang na nagmamahal. Hindi mo kayang mawala siya sayo. Lahat gagawin mo para bumalik siya sayo. Lahat gagawin mo para maging iyo. Kahit nagmumukha ka ng tanga kakahabol sa kanya, kasi alam mong pangalawa ka. Kasi alam mong hindi ikaw ang mas matimbang sa puso niya.

Ang tapang mo at nakikipagsagutan ka pa talaga sa partner niya. Ang tapang mo para ipaglaban ang tagong relasyon nyo na ngayon ay nabuking na. Ang tapang mong ipaglaban siya kahit alam mong may taong masasaktan. Mahal mo eh, kaya ipaglalaban mo talaga. Kahit ano pa ang sabihin ng iba, wala ka ng pakialam kasi hindi naman nila alam at naiintindihan ang nararamdaman mo.
Pero naiintindihan mo ba ang nararamdaman ng taong inaagawan mo?

Bakit di mo gamitin ang pagiging matapang at palaban mo sa tamang paraan? Maging matapang ka para tanggapin ang katotohanang mali ang mang agaw ng taong pagmamay ari na ng iba. 

It's not wrong to love someone who is already taken, but it is wrong to choose to steal that person from their partner. Wala kang karapatang makisalo sa relasyon na binuo ng dalawang tao.

Kung mahal mo siya at nasa piling na sya ng iba, then love that person silently. Pero wag kang gumawa ng paraan na magiging dahilan ng kanilang paghihiwalayan. 

Ang dami namang party dyan: birthday party, christmas party, halloween party, etc. Pero third-party pa talaga ang napili mo?

Kung nahihirapan kang layuan siya, then do something else. Stay away from that peron, oo mahirap kasi mahal mo siya. If you are a friend of that person, then you can still be a good friend at iwakli mo ang intensyon na gusto mo sya maging karelasyon. Keep in mind na taken na siya, at ikaw tanggapin mo na may nagmamay ari na sa kanya. 

Pinaglalaban mo dahil mahal ka niya? Ahh, mahal ka niya kaya ginawa ka niyang pangalawa? Ang galing naman ng pagmamahalan nyong yan. 

Instead na ipaglaban ang taong di ka naman nirespeto kaya nakipagrelasyon sayo ng sikreto, bakit di mo ipaglaban ang sarili mo? That you deserve better than chasing someone else's partner. You deserve better than being someone's second partner. You deserve better than being a partner of a cheater.

At kung isa ka naman sa mga taong nagkakagusto sa taong taken na, back off na. Mahalin mo na lang siya ng patago, oo masakit to pero ano pa ba ang magagawa mo? Landiin siya? Akitin siya? Tapos ano, mapapasayo siya at may masasaktan kang iba? Very wrong bes.

Hayaan mo na lang silang dalawa maging masaya, at kung maghiwalay man sila atleast hindi ikaw ang dahilan.

If you see the person you love being happy in someone else's arms, then just let them.   KAHIT MASAKIT. Just wait for your turn to be happy as well, di ka naman pababayaan ng tadhana. Oo minsan mapaglaro ang tadhana at dun ka pa talaga nahuhulog sa taong nasa piling na ng iba. Pero dadating din naman ang araw na may makikilala kang para sayo lang talaga at ikaw naman na ang sasaya. Ayaw mo naman siguro na may mang agaw pag dumating ang araw na yun diba? 

Don't take someone else's happiness para lang sumaya ka because karma hates those kind of people. Wag mong hintayin na mangyari sayo ang pinanggagawa mong kalokohan sa ibang tao.

—Calen Labor

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment