Naalala mo pa ba yun nangako kang hindi mo aagawin ang akin?
Yun nangako kang tutulungan mo kaming magkaayos?
Anong nangyari?
Bakit napalitan ng salitang kayo ang kami?
Bakit ako napalitan ikaw?
Bes bakit?
Bumaliktad ang storya,
Napalitan ng lungkot ang saya
Sabi mo pagkatiwalaan kita
DAHIL KAIBIGAN KITA
Sabi ko babawi ako
Kasi tutulungan mo ako
Pero ikaw pa ata ang kailangan bumawi
Dahil nasasaktan ako
Sa tuwing makikita ko siyang masaya ng dahil sayo
Pero wala akong magawa
Dahil una pa lang
Talo ang ibon ng ahas
Talo ang maganda sa malandi
Lugi ako
Kasi akala ko kaibigan kita
Akala ko tutulungan mo ko
Akala ko lang pala dahil ikaw?
Tulad ka lang din pala nila 🐍🐍🐍
—masyang
No comments:
Post a Comment