Nanaginip ako na hawak mo ang mga kamay ko




Nanaginip ako
Nanaginip ako na hawak hawak mo ang mga kamay ko
Nanaginip ako na ang salitang "tayo" ay nabuo sa mundong ito
Nanaginip ako na sinabi mo ang mga katagang "ikaw lang, sapat na sa buhay kong 'to" pero, namulat ako.

Namulat ako na ang mga panaginip na iyon ang mananatili lamang sa isipan kong ito,

mananatili lamang sa milyon-milyong imahinasyon ko.
Oo, may "ikaw" at "ako" sa mundo pero kailanma'y di magkakaroon ng tayo.

Di maalis sa isipan ang araw na kayo'y nagiibigan
nagiibigan sa ilalim ng buwan kung saan tayo noo'y nagsumpaan.
at base kasi sa napanaginipan ako,
ang mga kamay ko ang hinawakan mo.
bat pa kasi dumating ang "siya" sa buhay mo kung meron namang ako na naghihintay para mapansin mo?

Ako na umaasa
umaasang baka sakali,
baka sakali ako'y mamahalin mo gaya ng pagmamahal mo sakanya.
ako na umaasa, 
umaasang baka sakaling mabuo ang salitang "tayo" dito sa mundong "walang kayo!"
Ako na umaasa
umaasa at naghahabol na panrang tanga, para lamang sa wala.

Wag isipin,
masakit sa damdamin
pero baliktarin man ang mundo
ang maging tayo ay mananatili lamang sa mga panaginip ko

From: Y
To: J



HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment