Sa mga taong iniwan, pinagpalit, umasa.




Sa mga taong pinag palit, sa mga taong iniwan, sa mga taong umasa na babalikan sila, sa mga taong di alam ang dahilan kung bakit iniwan.

Oo umaasa parin ako,
Oo nag hihintay parin ako
Oo alam kong mali ito pero ano magagawa ko.
Oo masakit pero kinakaya ko kasi mahal ko.

Sa mga sandaling to nasasaktan ako,
Nasasaktan ako kasi nag iisa ako dito,
Habang ikaw masaya sa piling ng iba na dapat ako,
Ako na kung saan binaliwala mo.

Oo nag hihintay ako, nag hihintay parin ako sa pag babalik mo.
Kasi baka sa ngayon masaya kana sa piling ko.
Pero hindi ganun nag hihintay ako pero walang dumating na ikaw
Ikaw na kung saan di ko makalimutan, mali Di ko kayang kalimutan.

Datirati sumagi sa isip ko kung mahal mo nga ba talaga ako.
Kung mahal mo nga ba.
Ansakit lang kasi iniisip ko parin,
Dinadama ko parin ang sinabi mong ako lang wala ng iba,
Ako lang di ka na hahanap ng iba.
Pero asan ka, anjan kana sa iba.

Sabi mo saakin nung mga araw at gabing mag kasama tayo,
Sabi mo saakin non,
Mahal, Mahal, Mahal
Sana tumagal tayo,
Sana laging ganto tayo,
Sana walang katapusan to,
Sana, pero asan na yung Sana mo
Dalawa ba kaming pinag sabihan mo ng sana at sakanya mo tinupad ang mga sanang ipinangako mo sa akin.

Naman mahal.
Tanga ako pero di ako nag bubulag bulagan.
Alam kong may iba pero ano ginawa ko,
Pinaniwalaan ko ang pangako mong ako lang wala ng iba, diba sabi mo yun sakin pero asan kana anjan kana sakanya, habang ako andito mag isa.
Mag isa kasi pinili mo sya

Oo mahal masakit pero ano magagawa ko pinili mo sya kesa sakin.

Mahal kung babalikan mo ko sana wag na,kasi ayaw ko ng saktan ang sarili ko araw araw sa tuwing nakikita ko kayong magkasama at nag haharutan.

Sa mga pangako mong di natupad ayos na sakin yun, ganun naman kasi talaga nag tatapos ang lahat sa salitang ayaw ko na

Oo mahal pinipilit kong bumangon,
Pinipilit kong sumaya kahit wala ka,
Pinipilit kong mag bago kasi kailangan,
Mas lalong pinipilit ko kasi ako nalang mag isa kasi wala ng matatawag na TAYO PA.

Mahal hayaan mo balang araw sasaya rin ako, tulad ng ngiti sa mga mukha mo kapag kasama mo sya,
Katulad ng mga halakhak mo pag nag bibiro sya, kasi sakin hindi ko nakita yan sa mga mukha mo, masakit mahal, ansakit sakit.

Iniwan mo kong mag isa, kasi hindi naman kasi pwedeng dalawa kasi wala ka, kaya eto ako mag isang lumalaban, kasi iba ang iyong pinag laban.

Oo mahal umaasa ako pero natuto na ako sa mga bagay na ipinagdamot mo.

Oo mahal umaasa ako pero natuto na ako sa mga bagay na ginagawa mo.

Oo mahal umaasa ako pero natuto na si gago.

Siguro mahal dito nalang, hanggang dito nalang, kasi papalayain na kita kasi gusto ko nang sumaya kahit wala ka

Mahal mag iingat, salamat sa lahat at makakaya ko na.

Salamat mahal......

—Ans

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment