Submitted by: Cy
Araw araw inaaway mo ko ng walang dahilan
Ang sungit mo kahit anong gawin ko
Nagagalit ka ng todo na parang ang sama sama kong tao
Ano bang ginawa ko?
Minamahal lang naman kita
Ng walang labis, ng walang kulang
Pero bakit ganito?
Pakiramdam ko parang may mali
Oo, may mali
Sabi nila nakakatibay ng relasyon ang pag aaway
Pero bakit ganito?
Bakit narasanasan ko ito?
Bakit napalitan ang Iloveyou ng sorry?
Bakit napalitan ang maayos na usapan ng sigawan?
Oo
Iniintindi kita
Pero bakit gumagawa ka pa ng panibagong dahilan ng atin pag aaway
Ng ikakasama ng loob ko
Tapos ako nanaman
Ako nanaman ang hihingi ng tawad
Kahit hindi ko kasalanan
Hindi ka ba napapagod?
O mas tama bang hindi ba ako napapagod?
Kung ako ang tatanungin mo
Pagod na pagod na akong humingi ng tawad
Wala naman kasi akong ginagawang masama
Pagod na rin akong umintindi
Sa taong sarili lang ang iniisip
Hindi kita mabitawan kasi mahal kita
Pero kung ganito ka pa rin sakin
At patuloy mo kong sasaktan
Patawad nalang kasi susuko na ako
Susuko na ako hindi dahil hindi na kita mahal
Susuko ako dahil ayoko ng masaktan
Susuko ako hindi dahil ayoko sayo
Susuko ako dahil nakakasawa na
Kaya sana makahanap ka ng taong
Hindi mapapagod sayo
Sana dumating, yun araw na
Maiintindihan mo rin ako.
—cy
No comments:
Post a Comment