By:Jared Gamboa (Jared Paul)
Nasisiguro ko, at sinisiguro ko.
Na dadating ang oras na balang araw.
Balang araw, Mamimiss mo din yung dating "AKO". Dating ako na patay na patay sayo!
Dating ako na palaging andyan para sayo.
Dating ako na palaging umiintindi sayo.
Dating ako na kahit kailan, hindi naisip na Ipagpalit ka! Pero lahat ng dating ako.
Nawala na yun nang "Dahil Sayo".
Nang dahil sa pambabaliwala mo.
Nang dahil sa pag limot sa akin kapag nandyan sya.
Nang dahil mas pinili mo yung mahal mo kaysa sa nagmamahal sayo.
Nagmamahal sayo na handang maging tanga dahil mahal kita.
Nagmamahal sayo na handang masaktan dahil mahal kita.
Nagmamahal sayo na kahit kailan ay hindi mo naman talaga minahal.
Minahal na gaya ng ginawa mo sa kanya.
Minahal na kahit minsan lang sana ay ipinaramdam mo sa akin.
Ipinaramdam na sana ay minahal mo ako sa gawa at hindi sa salita.
Kaya yung "dating ako"
Yung dating ako na baliw na baliw sayo ay nawala nayun nang "Dahil din Sayo".
No comments:
Post a Comment