Paalam


By: Dianne Chavaria

Paano ko sisimulan ang tulang pamamaalam
Mga salitang parang hindi ko kayang panindigan 
Sadyang hindi maalis sa akin ang kasawian 
Subalit wala akong magagawa dahil ito ang aking kahilingan

Ika'y aking nakilala ng biglaan 
Kasabay noon ay ang pag ibig ko ng kabilisan 
Pag-ibig na hindi ko napigilan 
Kaya't ika'y minahal ng lubusan 

Ngunit ito na ang aking kinatatakutan 
Ang araw ng iyong biglaang paglisan 
Hindi mawala sa muka ang aking kalungkutan 
Nang sabihin mong tama na 

Pilit nililimot, pilit itinatapon 
Ang alaala mo sakit ay naroon 
Igagalang na lang ang iyong desisyon 
Kahit masakit ay aking tatanggapin 

Ngunit kung ang pag iwas ko ang iyong kagustuhan 
Iyon ang ibibigay sayo, para sa iyong kasiyahan
Hindi ito magsisilbing ikaw ay aking sinukuan
Gusto ko lamang manatili sa labi mo ang kangitian 

Di ko masisisi sa iyong kagustuhan 
Salamat sa lahat ng ating pinagsamahan
Hindi mo man makita sa akin yung kaligayahan tatangapin ko yun
Hangad ko lang yung makita kang masaya kahit hindi ako ang iyong kasama

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment