By: Regine Ann Libao
"Pagod na ako"
Yan ang sabi mo.
Parang huminto ang paghinga ko.
Nanlambot ang tuhod ko.
Nadurog ang puso ko.
"Pagod na ako"
Gusto ko rin yang sabihin sayo.
Pero di ko magawa kase mas masasaktan ako.
Di ko rin naisipang sumuko.
Kaya hihintayin ko nalang na ang nararamdaman ko'y maglaho.
"Pagod na ako"
Oo, pagod na ako ng sobra.
Pero dahil mahal kita.
Iniisip ko palang na mawawala ka parang di ko na kaya.
"Pagod na ko"
Iyan ang huling salitang iyong binitawan.
Bago ka tuluyang umalis at ako'y iniwan.
Napagod ka nga ba o may iba pang dahilan?
Yan ang tanong sa aking isipan.
"Pagod na ako"
At ngayon magpapahinga na ako.
Magpahinga na tayo.
Dahil sa mga oras na ito.
Malaya ka na mahal ko.
No comments:
Post a Comment