Paulit-ulit akong pinapatay ngunit nananatili pa ring buhay.


By: Ace Mendoza Dela Cruz

Masakit. Sobrang sakit.
Hindi kayang punan ng kahit sino.
Hindi kayang punan ng kahit ano.
Hindi mapapalitan.
Walang katumbas ang sakit.
Masakit. Sobrang sakit.
Walang kapantay.
Unti-unti akong pinapatay.
Paulit-ulit akong pinapatay ngunit nananatili pa ring buhay.
Mas masakit kaysa sa pisikal.
Nakakatakot.
Sa sobrang takot ko, ayokong tapusin ang sakit.
Sa sobrang takot ko, ayokong makalimutan ang sakit.
Bakit mo ba ako tinuruan na mahalin ka ng sobra kung sa huli ay hindi mo naman pala ako kayang turuan na makalimutan ka? Mahal masaya ka ba?
Nakaganti ka na ba?
Nakikita mo ako ngayon na durog na durog nang dahil sayo.
Nakikita mo ako ngayong wasak na wasak nang dahil sayo.
Ngunit mahal sa huli't-huli nais ko pa ring magpasalamat sayo.
Dahil sa likod ng sakit at hirap na iniwan mo...
Nandun pa rin ang masayang alaala na minsan din akong minahal ng tulad mo.

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment