Moving on doesn't always mean forgetting that person and the memories that you made together






Moving on doesn't always mean forgetting that person and the memories that you made together. You just have to forget the FEELINGS that you have for that someone.

Maraming nahihirapang mag move on ngayon at marami pang inaasar na hindi pa daw nakakamove on sa mga ex nila kasi di pa daw nila nakakalimutan yang someone na yan! Di mo naman kailangan na kalimutan sya. Ang kailangan mong kalimutan ay yung nararamdaman mo para sa kanya.

Naging parte rin naman sya ng buhay mo. Kahit ilang days lang, weeks, months or years ang tinagal ng relasyon nyo, or kahit na hindi naging kayo. Naging espesyal sya sa buhay mo, kahit na sinayang nya lang ang pagmamahal mo. 

So keep the memories. 

Minsan ka din naman nyang pinasaya, diba? Minsan ka na din nyang pinatawa. Minsan ka na nyang pinakilig. Minsan ka na rin nainspire na ayusin ang buhay mo dahil sa kanya. The two of you shared good moments together, so why not keep it? At kung ang matira man ay ang masasakit na ala ala, then forgive. Di ko sasabihin na forgive and forget kasi mahirap naman talagang makalimot—and that is normal. But atleast try to accept that things have changed.

Keep the good memories and keep the bad ones too BUT don't hold grudges. Keep it to motivate you to move on from the feelings that you have for that someone right now.

Kasi pag good memories lang, jan nanaman aandar ang pagiging asado mo tas papasok sa isip mo na baka pwede pa. Na baka babalik sya, ang dating kayo. Wag po! Kaya kailangan mo din isipin kung bakit kayo naging ganito. Bakit nawala ang "Kayo", kung bakit hindi naging kayo. 

Whether pinagpalit ka, finriend-zone ka, lumandi sya sa iba, sinukuan ka, iniwan ka, di ka pinaglaban, niloko ka, pinaasa ka, tinwo-time ka, or tinake for granted ka.

Pag naisip mo yan, oo magagalit ka, iiyak, maglalasing pero at the end of the day, you have to think and tell yourself na kaya ka mag momove on kasi hindi worth it magpakatanga sa taong sinayang at piniling saktan ka.

So keep the good and the bad memories. The good memories—for you to still believe in love. You can still create good memories with new people, maybe even better ones. The bad memories— for motivation. Motivate yourself to move on kasi alam mo sa sarili mo na ayaw mo nang mangyari ang mga bagay na yun. Yes bad memories, but they can also be a lesson. 

Forgetting your feelings for him/her is going to take some time. Mahirap talaga yan bes! Minahal mo eh.  Pero di porket mahirap gawin eh impossible na.  So kung naaalala mo sya minsan, it doesn't mean na hindi ka pa nakakamove on. Natural lang yan since may pinagsamahan naman kayo in the past. Basta past is past na ha!

 Ang mahalaga naman ay yung hindi ka na naaapektohan pag naaalala mo siya. Kaya wag ka na din magpapa apekto sa sinasabi ng iba na hindi ka pa nakaka move on sa kanya kung alam mo naman na sa sarili mo na masaya ka na at na accept mo na ang katotohanan na ang pinagsamahan nyong dalawa ay mananatili na lang isang ala ala.

HugotSnap.

Giving you the best hugot stories on Snapchat!
• contact for business: hugotsnap.promotions@gmail.com

No comments:

Post a Comment