Pitong letra, Isang salita.
Ngunit gamit at kahulugan ay kakaiba.
Kakaiba ang nagagawa sa bawat isa.
Gamit nito'y walang katumbas na halaga.
Na sa dalawang tao lamang pumapagitna.
Ngunit pag-ibig pa bang maituturing kung lagi ka na lang nasasaktan.
Pag-ibig pa bang maituturing kung lagi ka na lang luhaan.
At pag-ibig pa bang matatawag kung ikaw lang ang nakakaramdam.
Pag-ibig pa bang matatawag kung ikaw lang ang nagpaparamdam at nakakaalam.
Kung isa ka sa kanila pwede ba tama na.
Tama na ang pagpapakatanga...
Sa taong wala ka namang makukuha.
Walang makukuha kundi pighati at masasakit na salita.
Kaya naman ikaw kung pakiramdam mong wala naman talaga, itigil mo na.
Kung alam mong wala kang pag-asa, wag ka ng umasa pa.
Tumigil ka na sa kaka-asa na baka magustuhan ka rin niya.
Sa kaka-asang baka matipuhan ka niya.
O baka naman mahalin ka rin niya...
Kaya naman bago ko ito wakasan
Sana ay iyong maintindihan.
Hindi ito ginawa para patunayan ang iyong katangahan.
Kundi ang magising ka't isipin naman ang sariling kaligayahan.
Palayain mo na siya at hayaang maging masaya.
Palayain mo na siya at hayaang makasama ang mahal niya.
Palayain mo ang sarili mo sa mga rehas ng sana at baka.
Palayain mo na siya at ang sarili mo sa Pag-asang maging kayo pa.
Kasi wala. wala naman talaga. Simula pa nung una.
No comments:
Post a Comment